|
All School Lyrics - Artist : Gloc-9
Ako si Gloc9 batang binangonan Rizal
Taga sulat ng tula kahit medyo matagal Hirap tyaga dugo pawis na may kasamang dasal Tandang tanda parin ang amoy ng tubig sa kanal Ako si Gloc9 batang binangonan Rizal Taga sulat ng tula kahit medyo matagal Hirap tyaga dugo pawis na may kasamang dasal Tandang tanda parin ang amoy ng tubig sa kanal Bakit kailangang pakinggan ang mga hirit ng inggit di mo naman katuwang sa mabibigat Habang lumalakad sa mataas na bangin hindi ka umiiling kahit matamaan ng kidlat Sigaw ka ng sigaw pero walang nakikinig walang bumibilib hanggang sa tuluyan kang mamalat Makamit mo lamang ang mga minimithi mong pangarap hindi bale nang mamatay ka nang dilat Nakakapuwing ang lupa pag tumama sa mata Mahirap mag salita pag nilamon ka ng kaba Pang hinaan man ng loob huwag kang mag pahalata Kung hindi mo man maaninag puwede kang mangapa Maputikan man ang iyong mga palad o paa Sarili mo lamang ang syang kalaban mo di iba Habulin mo nang habulin kung sino ka sa pangarap Iyong mahahanap kapag nasa malayo ka na Tanawin mo ang mga dinaanan mo dati Kalimutan ang mga masasama na sinabi Iwasang maka sagi ng paa kung maaari Kahit na kung minsan ay medyo nakakalalaki Ayos lang Basta relax ka lang Huwag kang hibang Huwag padamihin ang ilang Nang iilang Ikaw lang ang nag iisang May alam Kung anong mapupuntahan Nang yong ginagawa Meron ka ba dyang mapapala Kahit sabihin pa ng iba na yan ay gawa gawa Hindi naman imbitado Kinakapalan ang mukha Kinakausap ang sarili Medyo maluha luha Punasan asan na ang pag asa Sa musika parang nawalan ka ng panglasa Walang mainit na tubig madami ang tasa Sa panahon ngayon di madali ang umasa Bobolahin ka ng mga kumpanya Pero ang mahalaga lamang ay ang kanya Babalutan ng mga salitang kay ganda Bago pa mahulugan ang iyong alkansya Madaming nag sasabi sayo na umalis ka nalang Ginagalingan mo palagi pero panis ka naman Natuyo nang mga labi na hindi madampian Ng mamantika na ulam sa aming hapag kainan Piliin lagi ang tama tapos iwasan yung isa Yan ang awitin ng buhay di mahirap makabisa Huminahon ka lamang at huwag kang mag pa balisa Madaling matatapos kung maayos ang umpisa Piliin lagi ang tama tapos iwasan yung isa Yan ang awitin ng buhay di mahirap makabisa Huminahon ka lamang at huwag kang mag pa balisa Madaling matatapos kung maayos ang umpisa Ako si Gloc9 batang binangonan Rizal Taga sulat ng tula kahit medyo matagal Hirap tyaga dugo pawis na may kasamang dasal Tandang tanda parin ang amoy ng tubig sa kanal Ako si Gloc9 batang binangonan Rizal Taga sulat ng tula kahit medyo matagal Hirap tyaga dugo pawis na may kasamang dasal Tandang tanda parin ang amoy ng tubig sa kanal Piliin lagi ang tama tapos iwasan yung isa Yan ang awitin ng buhay di mahirap makabisa Huminahon ka lamang at huwag kang mag pa balisa Madaling matatapos kung maayos ang umpisa Piliin lagi ang tama tapos iwasan yung isa Yan ang awitin ng buhay di mahirap makabisa Huminahon ka lamang at huwag kang mag pa balisa Madaling matatapos kung maayos ang umpisa |
Other Lyrics
|
Copyright © 2009-2024 |