|
Oka Lyrics - Artist : Gloc-9
Buti na lang
Sakin ay dumalaw ka Kung sino pa Yung di ko kilala Buti naman May nakaalala pa Sa tulad kong Lagi na lamang Mag-isa Ang himbing ng tulog ko dito sa sulok ng aking selda Nang may tumawag sa akin Di ako makapaniwala Ang tagal ko nang naka kulong ni wala manlang nangamusta Bakit ka ba naparito? Teka muna sino ka ba? Tawag nila sakin ay Waki di mo nako natatandaan? Nakainuman kita dati Dun sa luma niyong paradahan Ah ikaw ba yun o anong kailangan mo sakin? Wala naman tol gusto lamang kitang kausapin May dala ako ditong damit Baka nagugutom ka Hetong pagkain naka balot Pwede mong bigyan ang iba Oh ayos ah ano tayo mag syota? Pero salamat Sana nagdala ka ng toma Kung pwede lang sana eh Teka maiba ako Kumusta ka naman dito? Eto dakilang preso Napapadalas manalangin Pero naniwala na rin Na masyadong mataas ang langit At dito sa baba ang impyerno Buti na lang Sakin ay dumalaw ka Kung sino pa Yung di ko kilala Buti naman May nakaalala pa Sa tulad kong Lagi na lamang Mag-isa Ano nang plano mo? Ano pa eh di maghintay ng milagro Yun lang naman ang pwede kong gawin eh umasa kay poncio pilato Tsaka wala naman akong babalikan sa labas Dati nakong tambay Lagi pang utas Sakit ng ulo ni Tatay Palamunin ni Nanay Di ako nakatapos Suki pa ng away Wala na ngang trabaho Sa bisyo alipin pa Alak pati droga Sige mamili ka Di ko naman sila masisisi Anong gagawin ko ganito ako Sino ba naman ang mawiwili Pati kasintahan ko ginoyo ko Pero kung bakit ako naka kulong? Ibang usapan yun Tungkol dun sa babaeng pinatay Basta wala akong alam dun Bigla nalamang akong dinampot Sabi nila ako daw Dito nako bumantot Gusto ko nang bumitaw Minsan nga naiisip ko eh Napariwara na ba ako Buti nalang dumaan ka may nakakausap ako Buti na lang Sakin ay dumalaw ka Kung sino pa Yung di ko kilala Buti naman May nakaalala pa Sa tulad kong Lagi na lamang Mag-isa O bakit ngayon ka lang bumalik? Pinaghintay mo ako ng matagal Ano ka nag papasabik? 'Yang mukha mong makapal Umalis ka na dito di kita kailangan Bakit ka nagagalit? Ikaw nga tong dinadamayan Huwag kang magmamalaki sakin Baka mapahiya ka At malaman ng lahat ng tao Kung bakit hindi ka makalaya Yung nobyang ginoyo mo diba yun yung namatay? Dahil gusto mong kunin yung pera pati relo niya sa kamay! Kasi lulong ka sa droga Kaya lahat tinalo mo 'Yang pangalan mong Oka Gasgas na yan sa inyo Tapos lagi kang nagwawala Kapag malakas yung tama mo Kaya kawawa yung mga mahal mo Sa pag mamakaawa mo! Hindi ka nila natitiis kasi mahal ka nila Pero hinayaan mong numipis lahat ng pasesnya nila Tama lang sayo yan Ang mabagansya ka Isipin mo ninakaw mo pati sa pamangkin mong alkansya Akala mo ba may kausap ka? Sira wala Nasa mandaluyong ka Wala ka sa munting lupa At hindi araw ang buwan Huwag mong kulayan ng dilaw Si Oka ay si Waki Kasi ako ikaw |
Other Lyrics
|
Copyright © 2009-2024 |