|
Lumalapit (Spoken Words) Lyrics - Artist : Juans, The
At sa punto na hindi ko na kaya ang sakit
Doon ko naisip na kailangan ko na talagang bumalik Hindi doon sa tao na sa akin ay nanakit Pero sa Kaniya na sa aki'y handang yumakap nang mahigpit At dahil Siya ang unang lumapit Pagkakataong kailangan ko ay aking nakamit At nakayanan kong itulog nalang yung sakit Dahil alam kong kasabay ng paglipas ng oras Ang puso ko'y maghihilom din At dahil pag-ibig ni Hesus ay aking nabatid Ang iniibig kong mapanakit ay napagdesisyunan ko nang ihatid Doon sa lugar kung saan siya magiging masaya Ay ang lugar din kung saan ako naman ay magiging malaya Sa wakas ay natanggap kong hindi tayo pwede dahil sabi niya Para sa 'kin daw hindi lang puro kilig at tawanan Mayroon ding desisyon at paninindigan Isang mahaba at makulay na panaginip Masalimuot na kwento, mabigat sa dibdib Ngunit pagkatapos ng mahabang dilim Sa yakap Niya ako ay nagising May bagong umaga na sa akin ay dumating Lumalapit, lumalapit sa 'yo Sana ako'y patawarin mo Lumalapit, lumalapit sa 'yo Pagkakataon ang kailangan ko |
Copyright © 2009-2024 |