|
Silong Lyrics - Artist : Juliano, Kyle
Bumubuhos ang ulan
At ikaw nanaman Ang laman ng aking isip Ang tangi kong panaginip sa gitna nitong bagyo Ang init ng yakap mo ang hanap ko Walang tigil ang pag-patak Sinasabay ang pag-iyak Dahil bugso nitong damdamin Ikaw pa rin ang hangarin ng puso kong uhaw Habang ulan ay tinatanaw, ang nais ay ikaw Ooh, ikaw pa rin ang sigaw Kaya buhos lang ulan at nang 'yong matakpan Ang puso kong nanlalamig, sa'yo pa rin nasasabik Kahit na alam ko na hindi na magbabago ang Isip mong sumuko na bakit puso ko'y lumalaban pa? Ang langit ay makulimlim Paligid ay dumidilim At sa ilalim ng mga ulap Lamig ng hangin ang s'yang yayakap Ako'y mananatili Baka sakaling mahagkan kang muli Dahil ooh, ikaw pa rin ang sigaw Kaya buhos lang ulan at nang 'yong matakapan Ang puso kong nanlalamig, sa'yo pa rin nasasabik Kahit na alam ko na hindi na magbabago ang Isip mong sumuko na bakit puso ko'y lumalaban pa? Buhos lang ulan at nang 'yong matakpan Ang puso kong nanlalamig, sa'yo pa rin nasasabik Kahit na alam ko na hindi na magbabago ang Isip mong sumuko na wala na bang pag-asa na Kumapit kahit konti pa Bumitaw na lang bigla-bigla Ikaw ngayo'y malaya na Ako ay nandirito pa Ang isip mo'y sumuko na Bakit puso ko'y lumalaban pa? Ba't hanggang ngayo'y lumalaban pa? |
Copyright © 2009-2024 |