|
Marami Rami Lyrics - Artist : 1096Gang
[Guddhist:]
Marami rami narin yung nangyari samin Mga lakad na kailangan muna manalangin Buhay ay mahalaga di dapat sayangin Dami kong sinakripisyo sana ay palarin Tinigilan ko ang bisyo para may makain Kita mo yung pagbabago sa mga galaw Sabi nila sakin dati ako ay hilaw Ngayon tignan mo kung pano ako kuminang Gusto nila dumikit enerhiya ko mabisa Mga manikin mga walang pagkukusa Magagaling lang na manimbang Malambing yan wag ka magpalinlang Buhay parang yinyang itim puti ah Doble kara hindi pwedeng puro pighati lang Mag isip isip ka wag ka magpadikta Lalo na kung alam mo na tagilid ka Wag ka maghabol [Luci J:] Marame rame naren kung susumahin mo Yung pagtatyaga ko sa mga bumabato Bago to makalipad ginagapang ko Dami kong inaral bago lumayo Tumayo sa sarili kong paa nag lakbay kahit pa Mag isa di nila dapat husgahan pano kinapa Puro pag dapa ang nakikita ng mata Tapos mangangalabit pag may resulta na Kaya gabay ang mga pangyayare Gabay sayong daanan bago pa umani Bago ko madale sinipat ko ng marami Bago ko mabago sinubok ko yung "sakali" Kung sakali man palarin mapasakin Itong mga nasa isip panalangin Para sa inaambag at maparami Para sa pamilya sana ay mawari Saking pag alis ganapan na ang misyon Salamat sa mga nakadama ng tinugon Tinuon ko ang oras saking pag dilig Plano ay nakakamit isip puso ay dikit Kung magulo hinga pikit [Polo Pi:] Marami-rami narin ang pangarap ay lumagare Sinubok na ang letra na binibigkas ng labe Dami kong paraan para ito ay ma dale Sarili ang puhunan bago pa ito mabawe Yung akalang na lito lagi daw na lumiliko Katigasan ng ulo ko hubog ng pagka bigo Lakbay to ng sarili ko kailangan ma buo Na tututo na ngayon yung batang dati lang loko-loko Mga sayang na panahon hindi ko na ma babawi Dala ng kakulitan ng mali na ng yayare Napag isip-isip ayaw ko na dyan ma-malagi Malinis ang galaw hindi na uli ma dadale [Youngwise:] Marami rami na den mga nawala Dumagdag ay ganun din sa pag gagala Natutunan pumirme habang abala Saking dapat na gawin walang pangamba Nilakaran ko nalang maayos dahan dahan Tadhana di haharang di kame kalaban Kakampi't katungali tila sarili lamang Ngunit ang paalala'y dami jan sandalan Mga kaibigan kong tinuring kapatid Sa tamis din uuwi pait nang sandali Dama mo mag wawagi bago pa magapi Inuna na ang kailangan di pato huli Dami pa na parating pa iba iba Lito na sa susundin ayaw makansela Mga plano na maging amin ang amin ah Di 'to sabik sa pansin gaya ng iba di ako sila [Ghetto Gecko:] Marami rami na rin mga isipin Mga ayaw saluhin pero lampalag Sino sakin sasalo pupulot sa lapag O kapag akoy hinangin tangayin papalayo Di na makita sa taas o kahit sa baba Bata pa ko marunong ng magpakumbaba Turo sakin ng ama kahit na pasaway At suportado ng ina kong di mapalagay At sa mga nawala alam kong di nawala Nakabantay lang sila sa aking pag gagala Pero daming nag iba di na kita ng mata Kailangan lang tanggapin damahin ng pandama Yoko lang din magdrama ah basta alam mo na Dami pang pwedeng mangyari atupagin ko nalang Bakasakaling matupad din tong mga dalang pangarap sisikapin (Yeah, sarili koy hanapin...) |
Other Lyrics
|
Copyright © 2009-2024 |