|
Rico J Lyrics - Artist : Gloc-9
Maraming bukol sa aking mukha
Tanakang umukol at sinasadya Laging sinasalo ng sanga at dahon ko Maraming bukol sa aking mukha Dahil ang puno ko'y hitik Madaming bagay ang gusto kong sagutin Tuwing haharangin at tatanungin Mga asal na sa'ki'y nagpapailing Ang palaging bungad bakit ang aga mong dumating Bawat trabahong tinapos haharapin Sa'n man gaganapin aking kakagatin Na parang tayo'y nasa 1997 ulit At wala akong alam na ibang gusto kong gawin Kahit sablay ang damit, ang mikropono'y punit Sabi nga ng nanay ko sa'kin ay diyan ka magaling 'Di ko inakala na ako ay may mararating Pero buo ang tiwala sa bitbit na anting-anting Na walang anuman ang sa akin ay makakapigil At ang talunan sa'kin ay isang maliit na butil Ng buhangin sa pangpang matamis na hinahagkan Ang dagat ng isang gutom na aso na sumasagwan Sa isang pirasong tinapay na sa'kin ay umakay Tuwing sakto ang pera dadayo doon sa Pasay Pabalik ng Baclaran, Las Pinas papuntang Cavite 'Pag pauwi sabit sa jeep na Alabang Zapote Nagpupumilit sumingit palad 'di maiguhit Pagkatapos ng lahat-lahat ay dapat kong masulit Para sa'king mga anak kahit 'di maitatak Ang aking pangalan makasabay sa mga yapak Salamat kahit na ako ay isa lamang manunula Ay may natungtungan na rin akong nakakalula May kanin sa kaldero at may yero sa bubong Para sa mga mahal 'yan ang palagi kong tugon Dahil marami ang laging nakaabang na ulupong Lait na pasigaw sa'kin ay mga mahinang bulong Kaya damihan mo ang hawak na pamukol na bato Ang tangi kong hiling sana'y mabusog ka sa bunga ko Maraming bukol sa aking mukha Tanakang umukol at sinasadya Laging sinasalo ng sanga at dahon ko Maraming bukol sa aking mukha Dahil ang puno ko'y hitik |
Other Lyrics
|
Copyright © 2009-2024 |